accomplishment
Sa panahon ng kalamidad, serbisyo at malasakit ang namayani.
Sa gitna ng hagupit ng bagyo at pagsubok na kinakaharap ng mga Botoleño, muling namayani ang bayanihan at malasakit ng mga lingkod-bayan.
Sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Edmund Dante D. Perez katuwang ang mga Sangguniang Bayan Members na sina SB Doris D. Ladines, SB Eddie D. Daos, SB Angel B. Diesta, SB Jay T. Dilag, SB Arthur R. Daria, SB Gregorio D. Jaring, ABC Fernando D. Oñate, Jr., SK Fed. President Jessa Nicole B. Jaring at IPMR Ramon C. Abejon, nagsagawa ng paghahatid serbisyo at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan at lumikas dahil sa kalamidad. Kabilang sa mga isinagawa ay ang pagkakaloob at paghahanda ng pagkain para sa mga evacuees, bilang munting paraan para maipadama sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa sa panahon ng pagsubok.
Higit sa anumang programa, ang ganitong pagkilos ay hindi lamang nasusukat sa paggawa ng ordinansa, resolusyon o mga pagpupulong sa loob ng session hall. Ito ay nakikita sa aktwal na pagpunta sa mga evacuation centers, pakikinig sa pangangailangan ng mga tao, at pag-abot ng tulong sa oras na higit nila itong kailangan.
Sa likod ng maayos na evacuation center ay naroon ang mga barangay officials- ang ating unsung heroes sa panahon ng kalamidad.
Sa oras na karamihan ay naghahanap ng ligtas na lugar para sa kanilang pamilya, ang ating Punong Barangay, mga Kagawad, Barangay Tanod, mga health workers, volunteers at mga barangay personnel ang unang tumutugon, nag-iikot at nag-aasikaso sa mga kababayan nating apektado ng kalamidad. Wala silang kapaguran mailigtas lamang ang kanilang kabarangay.
Sa panahon ng bagyo, maaring malakas ang hangin at ulan, ngunit mas matatag ang pagkakaisa, malasakit at bayanihan ng mga Botoleño.
Serbisyo. Malasakit. Bayanihan. Yan ang tatak Sangguniang Bayan ng Botolan.